(Sumalubong sa Mayo) ROLBAK SA PRESYO NG LPG

MAY bawas sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) simula ngayong Mayo 1.

Ito na ang ikalawang sunod na buwan na may rolbak sa presyo ng cooking fuel.

Sa abiso ng  Petron Corp., ang presyo ng LPG ay bababa ng P1.15 per kilo, o P12.65  para sa bawat 11-kilogram na tangka, epektibo alas- 12:01 ng umaga ngayong Miyerkoles, Mayo 1.

“This reflects the international contract price of LPG for the month of May,” nakasaad sa abiso.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), ang presyo ng isang  11-kilogram na tangke sa Metro Manila ay naglalaro sa P830.00 hanggang P1,068.00 noong Abril.