(Sumalubong sa Mayo)TAAS-PRESYO SA LPG

MAY dagdag sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) simula kahapon, Mayo 1.

Sa anunsiyo ng Petron Corp. , ang taas-presyo sa LPG ay nasa P0.85 kada kilo habang sa AutoLPG ay P0.48 kada litro.

“These reflect the international contract price of LPG for the month of May,” nakasaad sa abiso ng Petron.

Inanunsiyo rin ng Solane ang P0.82 kada kilong pagtataas sa presyo ng kanilang LPG.

Nagpatupad din ang Phoenix LPG Phils., Inc. ng price increase na P0.85 kada kilo sa kanilang Phoenix Super LPG, at P0.48 kada kilo para sa AutoLPG.

Ang price hike ay kasunod ng big-time rollback na ipinatupad ng mga kompanya ng langis noong nakaraang buwan.

Ang presyo ng LPG ay bumaba ng hanggang P9.20 kada kilo noong Abril.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang Pebrero 1, 2023. ang presyo ng LPG sa Metro Manila ay nasa P934.00 hanggang P1,118.00 per 11-kilogram cylinder.