(Sumalubong sa Oktubre)BAWAS-PRESYO SA LPG

LPG TANK-2

MAS mababang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ang sumalubong sa mga consumer ngayong Oktubre.

Inanunsiyo ng Petron Corporation na may bawas na P2.55 per kilogram ang presyo ng kanilang household LPG epektibo alas-12:01 ng Oktubre 1.

Ang adjustment ay katumbas ng P28.05 bawas-presyo para sa typical 11-kilogram LPG tank.

Magpapatupad din ang Phoenix Petroleum at Solane ng kaparehong rolbak.

May tapyas naman ang Petron at Phoenix Petroleum ng P1.43 kada litro sa Auto LPG.

“These reflect the international contract price of LPG for the month of October,” ayon sa Petron.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), ang retail prices ng isang 11-kilogram household LPG cylinder ay naglalaro sa P838 hanggang P1,024.