TUMAAS ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ng P4 per kilogram simula nitong Martes, Pebrero 1.
Katumbas ito ng P44 pagtaas sa regular 11-kilogram LPG cylinder.
Ang LPG brands na nagpatupad ng price hike ay kinabibilangan ng Petron, Phoenix Super LPG at Solane.
Tumaas din ang presyo ng auto-LPG ng P2.24 per liter para sa Phoenix at ng P2.23 per liter para sa Petron.
“These reflect the international contract price of LPG for the month of February,” pahayag ng Petron sa advisory nito.
Kasabay nito ay tumaas din ang presyo ng produktong petrolyo sa ika-5 sunod na linggo.
Ang presyo ng kada litro ng gasolina at diesel ay tumaas ng P0.75, habang ang kerosene ay may dagdag-presyo na P0.45.