TUMAAS ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa unang araw ng Pebrero.
Ayon sa Petron, simula alas-12:01 ng umaga kahapon ay nadagdagan ng P2.96 ang presyo ng kada kilo ng kanilang LPG habang P1.66 naman sa kada litro ng auto LPG.
Nasa P2.68 naman ang taas-presyo ng Solane sa kada kilo ng kanilang LPG simula alas-6 ng umaga kahapon.
Samantala, sa magkahiwalay na abiso ay inanunsiyo ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. na ta-taas ang presyo ng kada litro ng kanilang gasolina ng P0.25 habang may rolbak naman sa presyo ng kerosene ng P0.25. Wala namang paggalaw sa presyo ng diesel.
Magpapatupad ang Petro Gazz ng kaparehong adjustments, maliban sa kerosene na hindi nila ibinebentai. Epektibo ang adjustments ngayong alas-6 ng umaga.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Enero 26, 2021, ang year-to-date adjustments ay may net increase na P2.15 kada litro para sa gasolina, P1.55 kada litro para sa diesel, atb P1.50 kada litro para sa kerosene.
Comments are closed.