SINALUBONG ng pagtaas sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ang unang araw ng buwan ng Setyembre.
Sa magkahiwalay na abiso, ang Petron at Phoenix LPG ay nagpatupad ng P6.65 per kilogram hike sa household LPG o P73.15 para sa isang regular 11-kilogram cylinder.
Samantala, tumaas naman ang presyo ng AutoLPG ng P3.70 kada litro.
“These reflect the international contract price of LPG for the month of September,” sabi ng Petron.
Ang LPG price hike para sa dalawang players ay ipinatupad simula alas-12:01 ng umaga ng Biyernes.
Ang presyo ng Solane-branded LPG ay tumaas din ng P6.64 per kilogram epektibo alas-6 ng umaga.
Katumbas ito ng P73.04 pagtaas sa kada 11-kilogram household LPG tank.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), ang presyo ng 11-kilogram household LPG noong nakaraang buwan sa Metro Manila ay nasa P718 hanggang P935.