(Sumargo sa 17,231 sa isang araw) PINAKAMATAAS NA COVID-19 CASES NAITALA

NAITALA  ng Department of Health ang pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng nakakahawang COVID-19 sa bansa na 17,231 sa loob lamang ng isang araw.

Pinakamataas ito simula nang magkaroon ng pandemya noong nakaraang taon.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes (Agusto 20), pumalo na sa 1,807,800 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 123,251 o 6.8 porsiyento ang aktibong kaso, 94.1 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.2 porsiyento ang asymptomatic; 0.86 porsiyento ang moderate; 1.3 porsiyento ang severe habang 0.7 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 317 naman ang napaulat na nasawi kaya pumalo na sa 31,198 o 1.73 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 5,595 naman ang gumaling pa sa COVID-19 na nagbunsod ng pagtaas ng total recoveries sa 1,653,351 o 91.5 porsiyento sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *