(Sumawsaw sa isyu sa Panatag Shoal) REGINE VELASQUEZ NAKUWESTIYON ANG CREDIBILITY SA FOREIGN RELATIONS

REGINE VELASQUEZ

NAKATIKIM ng masasakit na salita si Regine Velasquez mula sa commentator na sichizmax Ben Tulfo sa kanyang FB livestream kamakailan.

Ito ay matapos bombahin ng Asia’s Songbird sa kanyang social media account ang DFA Secretary na si Teddy Locsin hinggil sa isyu sa Panatag Shoal kung saan pinahihintulutan daw ng gobyerno ang mga Tsino na manguha ng mga giant clams sa naturang lugar.

Ipinahayag ni Teddy sa kanyang kontrobersyal na post sa social media na walang tao, kahit na siya, ay lumalaban upang ipagtanggol ang mga tulya.

Ani Regine: “Ang akala ko pa naman matalino ka. Ako ay simpleng tao lamang na may simpleng pag-iisip. These people are invading our territory, they are not just taking food, sinisira nila ang ating karagatan!!!!”

Nakarating sa anchor host na si Ben Tulfo ang tinuran ng singer kaya’t sa kanyang FB live ay napagsabihan niyang ‘wag makisawsaw sa isyu ang singer kung wala naman daw siyang alam hinggil sa mga foreign relations. Una munang binanggit ni Tulfo ang bise presidente na si VP Leni Robredo kung saan na-inspire ang bise presidente sa mga celebrity na tulad ni Regine.

Ani Tulfo, ano raw ba ang alam ni Regine kundi ang kumanta lamang. “Ang mensahe ko sa’yo, Regine Velasquez, next time you open your mouth, think. Make sure na may laman ang utak mo. Make sure alam mo ‘yung isyu and you can talk about it. Hindi mo ito balwarte. ‘Yung kaalaman mo, itago mo na lang.

“Ano bang alam nitong si Regine Velasquez other than kumanta lamang? Ang isang entertainer na I’m not trying to pull down, I question ‘yung kanyang credentials when it comes to college, I don’t even know if she had any subject in political science.

“So, ‘yung statement nitong si Regine Velasquez, for me, is something na nakisawsaw, nakiangkas sa isyu na wala naman talagang alam. Mas maganda siguro pag ang isang indibiduwal nagsalita, he or she should expert in the field,” ani Tulfo sa kanyang FB live.

Samantala, dinepensahan ni Ogie Alcasid ang asawang si Regine hinggil sa mga masasakit na salitang binitawan ni Tulfo.

Tweet ni Ogie kay Tulfo: “Sir @bitagbentulfo, I offer my cheek to you. After you have maligned my wife, I ask that you focus on me. She is after all, a lady. God bless you, sir!”

Sinagot ni Tulfo ang mensahe ni Ogie at nagpalitan ng mensahe ang dalawang celebrities sa kani-kanilang forte.

“I am not here to hurt anyone. I am talking with sincerity and truthfulness. This is a serious issue.

“Tell your wife to focus on her career. Please, not foreign relations and issues.

“I do respect you and your wife.”

Sa pag-uusap ng dalawa na parehong ni­rerespeto sa industriyang kanilang ginagalawan ay pinasalamatan pa ni Ogie ang commentator.

Sagot niya kay Tulfo: “Thank you for your reply and your sincere advice. I respect your view on these matters also. God bless you always.”

Pero dahil sa pagpapakumbaba ng singer, may mga netizen na na-disappoint. Ang akala raw ba nila ay ipagtatanggol ni Ogie ang asawa.

Ayaw na rin sigurong pahabain pa ni Ogie ang isyung kinasangkutan ng asawa. Knowing Ogie, hangga’t nakakapagpasensiya siya ay umiiral pa rin siya sa mga positibong bagay.

Pinairal pa rin niya ang kanyang pinag-aralan. Nakapagtapos ang singer sa isang prominenteng eskwelahan.

OGIE DIAZ PRANGKANG SINAGOT ANG NETIZEN TUNGKOL KAY JULIA MONTES

NA-SHOCK ang netizen sa rebelasyon ng talent manager na si Ogie Diaz hinggil sa OGIE DIAZactress na si Julia Montes.

May nagtanong kay Ogie na isang netizen tungkol sa umano’y panganganak ni Julia.

“Mama Ogs, ba’t ‘di pa nagpapakita si Julia Montes?” ani netizen sa kanyang FB account. Sumagot ang talent manager at nagtuloy-tuloy ang conversation ng dalawa.

Sabi ni Mama Ogs, “Hayaan nyo muna siyang namnamin ang pagiging ina.”

“Ah, so confirmed talaga?”

“Hintayin natin si Julia. In time, magsasalita din ‘yun. For now, let’s be happy for them. Hayaan n’yong i-enjoy nila ang isa’t isa.

“Isa’t isa? Sino yung isa?” “Gagah, ‘yung anak niya, hayaan nyo munang i-enjoy nila ang isa’t isa.”

Dahil sa palitan nila ng mga salita, pati si Coco Martin na sinasabing ama ay hindi nakaligtas sa mga batikos ng netizen.

4 thoughts on “(Sumawsaw sa isyu sa Panatag Shoal) REGINE VELASQUEZ NAKUWESTIYON ANG CREDIBILITY SA FOREIGN RELATIONS”

  1. 523248 548512A person essentially aid to make seriously articles I would state. This is the initial time I frequented your website page and thus far? I surprised with the research you created to make this particular publish incredible. Wonderful job! 911900

  2. 859164 888157This style is steller! You obviously know how to maintain a reader amused. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own weblog (effectively, almostHaHa!) Fantastic job. I truly enjoyed what you had to say, and a lot more than that, how you presented it. Too cool! 472573

Comments are closed.