CAMARINES SUR – DEAD on arrival sa pagamutan ang dalawang motorcycle riders nang sumemplang at tumilapon ng ilang metro sa kalsada matapos maaksidente ang sinasakyang motorsiklo sa Brgy. Paolbo, Calabanga ng nasabing lalawigan.
Sa ulat ng Calabanga Municipal Police Station, inabot ng dagliang kamatayan sina Darwin Baguio at Cornel Baguio.
Ayon sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nawalan ng kontrol ang driver ng motorsiklo sa kurbadong bahagi nang tinatahak na national highway.
Bunsod nito ay nagpagulong-gulong sa sementong lansangan ang mga katawan ng dalawang riders na naging sanhi ng kanilang kamatayan.
Nagawa pang madala sa ospital ang mga biktima subalit idineklarang dead on arrival.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa insidente. VERLIN RUIZ
Comments are closed.