BULACAN-ARESTADO ang isang lalaki makaraang mahulihan ng granada at calibre 45 matapos sumemplang habang sakay ng motorsiklo sa Brgy,San Vicente bayan ng Sta.Maria sa lalawigang ito.
Sa inisyal na report ni Lt.Col.Voltaire Rivera, kinilala ang suspek na si alyas Marthy Cunanan, 25-anyos, residente ng Gapan City Nueva Ecija.
Nabatid na sakay ng kulay itim na Suzuki Raider 150 motorcycle si Cunanan nang bigla sumemplang at tindi ng aksidente ay nagtamo ito ng multiple physical injuries.
Nang respondehan si Cunanan nakuha sa belt bag nito ang isang M61 Fragmentation Hand Granade at baril.
Dahil dito, agad inalam sa Land Transportation Office ng Sta.Maria branch ang sasakyan nito at naka-rehistro ang motorsiklo sa isang Angelo Cabling ng San Isidro, Nueva Ecija.
Dito natukoy na naka-alarma ang naturang motor dahil kinarnap ito ng dalawang lalaki sa Brgy, San Lorenzo, Gapan nito lamang Mayo 31.
Nadiskubre rin ng mga pulis na may kasong Rape si Cunanan sa Brgy, San Carlos, Lipa City, Batangas noong Hunyo 14, 2017 habang may pending case sa kasong New-Anti Carnapping Act of 2016-MC sa Brgy, Tabuating, San Leonardo, Nueva Ecija nito lamang Mayo 18.
Kasunod nito muling ipina-alala ni PRO3 Director BGen. Matthew Baccay, ang pagpapaigting laban sa mga kriminal. THONY ARCENAL