BAGUIO CITY –KULONG ang isang karpintero makaraang masakote ng mga operatiba ng pulisya sa isang hotel sa Sta. Cruz, Manila dahil sa paninikwat nito ng ultrasound machine sa isang clinic sa bahagi ng Upper Session Road sa lalawigang ito noong Linggo.
Base report na nakarating kay Baguio Police Director Col. Allen Rae Co, dumulog sa himpilan si Dr. Edgar Bangued dahil sa nawawalang ultrasound ma-chine sa loob ng kanyang clinic noong Nobyembre 16.
Agad na umaksiyon ang mga operatiba laban sa suspek na si John Santos Daquioag, 62-anyos na namataang pumasok sa nasabing clinic at ninakaw ang nasabing machine na nagkakahalaga ng P1.3 milyon.
Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad sa social media ay nadiskubreng ibinebenta ang ultrasound machine via online sa Manila.
Dahil dito, mabilis na ikinasa ang entrapment operation noong Linggo kung saan nadakip ang suspek at narekober ang naturang machine sa isang hotel sa Claro M. Recto Ave., Sta Cruz, Manila. MHAR BASCO
Comments are closed.