TINAYA ng Bangko Sentral ng Pilipinas na bibilis ang inflation sa December na 3.1% na isinisi sa mataas na presyo ng pangunahing bilihin.
Ang inflation ay panukat sa bilis ng galaw ng presyo ng bilihin.
Ang nasabing pigura ay mas mabilis ng 0.6% kumpara sa 2.5% inflation rate noong Nobyembre.
Nangangahulugan na bumilis ang pagtaas sa presyo ng bilihin lalo na sa pagkain.
Isinisi naman sa sunod-sunod na bagyo at kalamidad kung bakit tumaas ang presyo ng pagkain gaya ng gulay, bigas at isda.
Gayom pa man, maituturing na mas maganda pa rin ang presyuhan ngayon kumpara noong pagwawakas ng 2022 na ang tumatak ay mataas na presyo ng sibuyas at ng luya.
Matatapos ang taon at totoong tumaas ang presyo ng bilihin subalit dapat pa ring magpasalamat sa mga ginagawang hakbang ng pamahalaan na pigilan ito.
Ang mataas na presyo ng bilihin ay kabilang sa tinutukan ng administrasyon at masasabing epektibo ang mga ginawang hakbang gaya ng pagtatayo ng Kadiwa stores.
Kabilang naman sa dahilan ng mataas na presyo ng bilihin ay ang linggo-linggong galaw sa presyo ng produktong petrolyo.