INIHAHANDA na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang summer jobs para sa mga estudyante.
Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students o SPES, ang mga estudyante ay kikita ng P537 kada araw o ang arawang minimum na sahod sa Metro Manila.
Aniya, may available na 250 administrative at clerical works para sa high school at college students.
Sinabi pa ni Pialago na 60 percent ng sahod ng mga estudyante ay magmumula sa MMDA habang ang nalalabing 40 percent ay sasagutin ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagsulong sa SPES.
Ang mga interesadong estudyante ay maaaring kumuha ng application forms sa main office ng MMDA sa Makati City.
Kabilang sa requirements ay school registration form, report cards at photocopy ng birth certificate.
Comments are closed.