SUMMER SHOE FASHION TIPS AND IDEAS

SHOE

KAPAG mainit ang panahon, isa pa sa pinoproblema ng marami bukod sa susuoting damit ay ang mga pansapin sa paa o sandals/sapatos. Hindi nga naman madali ang mag-isip ng susuoting sapatos o sandals lalo na kapag mainit ang paligid.

Bukod sa pag-iisip ng komportableng damit, kailangan ding kompor­table ang susuotin o pipi­liin nating sapatos. Mas magiging happy nga naman tayo at relax kung komportable ang mga suot nating sapatos o kaya naman ay sandals.

Mainit nga naman ang panahon at kung mainit pa ang mga susuotin natin, tiyak na maiinis tayo at hindi natin ma-e-enjoy ang summer.

Sa ngayon ay napakarami ng styles at klase ng sandals at sapatos na puwede nating pagpilian na akma sa panlasa natin at maging sa presyo. Napakarami na nating puwedeng pagpilian na babagay sa ating personality. Colorful na rin at comfy.  Pero paano nga ba natin malalaman o paano nga ba tayo pipili ng summer shoes? Ano-ano nga ba ang dapat nating malaman at isaalang-alang?

COLORFUL

Dahil summer, isa sa masarap at komportableng suotin ay ang colorful shoes at sandals. Bukod nga naman sa swak na swak ito sa panahon, nakadaragdag din ito ng ganda sa outfit. Buhay na buhay rin ang mga makukulay na sapatos at sandals kaya mainam suotin. Kaya naman kung mamimili ka o bibili ka ng sandals at sapatos, sigu­raduhing colorful ito. Mas madali ring bagayan ang mga colorful sandals at shoes.

PAGIGING SOFT

Bukod sa pagiging colorful, isa pa sa dapat nating isaalang-alang sa pagbili ng sapatos at sandals ay ang pagkakagawa nito. Bukod sa matibay, kailangang malambot ang tapakan ng pipiliin ninyong  sapatos o sandals para maglakad man kayo nang maglakad, hindi sasakit ang inyong mga paa.

Maraming sapatos ngayon na maganda nga kung iyong titingnan pero kapag sinuot mo naman, hindi ka komportable. Kaya naman napakaimportante kung soft at komportable ang pipiliing sapatos.

Ma-e-enjoy n’yo pa ng sobra ang pag-iikot at pamamasyal ngayong summer kasama ang inyong buong pamilya kapag tamang-tama sa inyo ang sandal o sapatos na inyong nabili.

STRAPPY

Kapag mainit ang panahon, kayhirap magsuot ng sapatos. May mga sapatos din kasing mainit sa paa. STRAPPYKaya madalas, pinipili ng marami ang mga strappy sandals. Bukod nga naman sa maganda itong tingnan sa paa, komportable rin itong suotin. Bagay na bagay rin ito sa kahit na anong klase ng outfit. Puwede rin itong suotin sa galaan man o opisina.

Komportableng-komportable rin ito kaya tiyak na hindi ka maiirita kahit na mainit ang panahon. Ma­rami ka ring puwe-deng pagpilian na swak sa iyong panlasa at maging sa bulsa.

GLADIATOR SANDALS

Kung may isa man akong kinahihiligang suotin, iyan ang gladiator sandals. Bukod sa maganda ito sa paa, bagay na bagay itong ipares sa short man, skirt o dress. May mga flats din na gladiator sandals at mayroon din namang may takong.

Maganda itong pam­porma lalo na sa opisina. Puwedeng-puwede rin itong suotin kapag nagli­liwaliw o nagbabakas­yon kayo ng iyong buong pamilya.  Napakadali rin lang nitong suotin dahil kadalasan sa mga gladiator sandals ay may zipper sa may likuran. Marami ring design at kulay ang puwede mong pagpi­lian. Bagay na bagay rin ito sa kahit na anong outfit. Kaya’t ano pang hinihintay mo, subukan na ang gladiator sandals at tiyak na maiibigan mo rin ito.

WHITE SNEAKER

SNEAKERSKung may isa mang sapatos na hindi nawawala sa mga kababaihan, iyan ang white sneakers. Madaling suotin, check! Bagay sa kahit na anong out-fit, check na check! Kaya naman, bawat kababaihan ay mayroon nito.

Wala rin naman kasi itong pinipiling panahon. Kumbaga, sa kahit na anong panahon, isa ito sa hindi nawawala at laging patok.

Masarap sa paa ang sneakers kaya’t mahaba man ang lakaran o maghapon man kayong maglakwatsa, hindi sasakit ang iyong mga paa. Puwede rin itong gamitin sa opisina. Bagay ito sa short, dress, pants at kahit na sa skirt.

Napakaraming sapatos at sandals ang maaari nating pagpilian ngayong summer na bagay sa mainit na panhon at makadaragdag din ng ganda sa ating outfit. Pero bago tayo bumili ng kahit na anong uri ng sapatos o sandals, siguraduhing gusto natin ito at hindi lang dahil sa uso ito kaya natin bibilhin.

Oo, hindi rin naman kailangang bumili ng bagong sapatos kapag mainit ang panahon. Kung tutuusin, puwede naman kasi ang kahit na anong klase ng sapatos at sandals. Basta’t ang importante ay komportable tayo sa susuotin natin. Kailangan ding malamig at maaliwalas ito sa pakiramdam para ma-enjoy natin ng lubusan ang summer.  CS SALUD (photos mula sa google)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

6 thoughts on “SUMMER SHOE FASHION TIPS AND IDEAS”

  1. 917153 434986This style is spectacular! You obviously know how to maintain a reader amused. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own weblog (properly, almostHaHa!) Fantastic job. I actually enjoyed what you had to say, and much more than that, how you presented it. Too cool! 782873

  2. Thanks for enabling me to get new ideas about pcs. I also possess the belief that certain of the best ways to help keep your laptop computer in leading condition is to use a hard plastic case, or maybe shell, which fits over the top of your computer. These kind of protective gear tend to be model specific since they are made to fit perfectly on the natural casing. You can buy these directly from owner, or through third party sources if they are designed for your notebook, however don’t assume all laptop can have a spend on the market. All over again, thanks for your suggestions.

  3. Nice post. I learn something tougher on different blogs everyday. Most commonly it is stimulating to study content using their company writers and employ a little from their store. I’d want to apply certain using the content on my own weblog regardless of whether you don’t mind. Natually I’ll provide you with a link in your internet weblog. Many thanks sharing.

Comments are closed.