(Sumuko na at magsanay) TESDA COURSES SA REBELS

tesda

HINIMOK ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga tropang  umalaban sa gobyerno na manumbalik na sa mainstream society at ibaba na ang kanilang mga armas

Ayon kay Tesda Director Isidro Lapeña, binibigyan ng malaking pagkakataon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang  rebel surrenderees na maisailalim sa mga training programs ng gobyerno upang magkaroon sila ng hanapbuhay at maging produktibo.

Pahayag ng Tesda chief, kahirapan ang pa­ngunahing dahilan ng napakatagal nang insurhensiya sa iba’t ibang panig ng bansa.

Bunsod nito, higit  na paiigtingin ng ahensiya ang kanilang  skills development program para sa mga Pinoy  na  wala nang kakayahang makapag-aral sa kolehiyo.

Samantala, tinata­yang  umaabot sa halos 21,000  drug  20,550 drug surrenderers  ang nakatapos na ng  libreng  skills training  sa Tesda sa loob ng dalawang taon, mula 2016.

Ang drug surrenderers ay kabilang sa mga benepisyaryo ng program ang Tesda na ‘Skills Training for Special Clients’  na kinabibila­ngan ng  indigenous peoples (IPs), mga lugar na tinamaan ng kalamidad,  mga preso at kanilang dependents, persons with disabilities (PWDs), family enterprises, at mga nagbalik-loob na rebelde.

Kabilang sa mga kursong puwede nilang kunin ay ang driving, cookery, automotive servicing, bread and pastry production, heavy equipment operation, carpentry, masonry, food and beverage services, wellness, steel fabrication, Shielded Metal Arc Welding (SMAW). May dagdag na ulat si JOPEL  PELENIO.