SUMUKO SA TOKHANG HULI SA DRUG BUY BUST OPS

sumuko

CAGAYAN VALLEY – ISANG tokhang responder o sumuko sa Oplan Tokhang subalit hindi sumailalim sa Community Based Rehabilitation Program ang nahuli sa isinagawang drug buy bust operation ng kapulisan sa Brgy.  Victoria,  Alicia,  Isabela.

Maaalalang  naaresto si  Maria, hindi  tunay na pangalan, na taga Echague makaraang ilatag ng PNP-Alicia ang nasabing operasyon.

Ayon kay P/Major Ardee Tion, hepe ng PNP-Alicia Isa­bela, batay sa kanilang pakikipag ugnayan sa PNP-Echague ang nahuling suspek ay isang tokhang responders sa kanilang nasasakupan subalit hindi ito sumailalim sa Community Based Rehabilitation Program.

Batay sa natatanggap ng kapulisan na impormasyon ay madalas umano sa bayan ng Alicia si Maria upang mag benta ng hinihinalang marijuana

Napag-alaman ang operation ni Maria sa pagbebenta ng ipinagbabawal ng gamot ay sa bayan ng Echague at Alicia na kadalasang puntirya nitong bentahan ay mga kabataan.

Hindi rin inaalis ni Major Tion, na may parokyano ito sa bayan ng Alicia Isabela si Maria na ngayon ay nahaharap sa kasong R. A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. REY VELASCO

Comments are closed.