NAGING viral ang isang video kung saan nakikipagtalo si EDSA traffic czar Bong Nebrija sa ilang pasahero ng bus. Napeperwisyo raw sila sa pag-antala ng kanilang sasakyan sanhi ng paghuli ng MMDA sa bus na kanilang sinsakyan dahil kumuha ng pasahero sa bawal na sa-kayan.
Sumigaw umano ang isang pasahero na huli na raw siya sa opisina. Hinamon nitong pasahero si Nebrija kung kaya ni-yang bayaran ang suweldong mawawala sa kanya. Sinagot ni Nebrija na dapat ay umalis siya ng mas maaga. Tinanong niya rin ang pasahero kung tama ba ang pagbayad niya ng kanyang buwis kung saan doon kumukuha ng suweldo ang mga empleyado ng MMDA.
Ito nga ang mahirap sa ating mga Filipino. Malakas tayo na bumatikos sa grabeng trapik sa Metro Manila, subalit kapag personal na naperwisyo ka-pag naapektuhan sa pagpapatupad ng batas trapiko ng MMDA, galit.
Papaano na ‘yan, kuya? Sa totoo lang, ang suliranin sa trapiko sa ating lansangan ay kumbinasyon ng lahat ng gumagamit nito. Ang mga motorista, mananakay, pedestrian, vendor, traffic enforcer at ang mga ahensiya ng gobyerno na may kaugnayan sa trapik ay may kanya-kanyang responsibilidad dito. Kapag ginampanan nating lahat ang pagiging responsable sa paggamit ng ating mga kalsada, tiyak maayos ang daloy ng trapiko natin.
Sa totoo lang, ang maling babaan at sakayan ng mga pasahero ay malaking bahagi sa pagsisikip ng daloy ng trapiko. Ka-pag ang mga pampublikong sasakyan ay pahinto-hinto kada makakita ng pasahero, aba’y talagang babagal ang daloy ng trapiko.
Inaayos lamang ng MMDA kung ano ang dapat na polisiya sa tamang babaan at sakayan ng mga pasahero. Dapat kasi ay magbaba at magsakay sa mga itinalagang bus o jeepney stops. Para naman sa mga pasahero, pumunta sa nasabing mga bus stop!
Kaya roon sa nagmura at sinigawan si Nebrija, mahiya ka. Kaya ganito ang kalagayan ng trapiko sa lansangan ay dahil sa isang pasaway na tulad mo!
Comments are closed.