ISANG Philippine Army corporal at dalawang sibilyan ang nadakip ng awtoridad sa pagbebenta ng baril kasunod ng buy bust operation sa Zamboanga City.
Sa ulat, kinilala ang mga nadakip na sina Corporal Alkhaizer Balboa, 36-anyos, ng Sinunuc, Zamboanga City; Rodolfo LLenado, Jr., 37 ng nasabi ring bayan, at Remar Hadjiri, 43-anyos ng Upper Calarian, ng nasabi ring siyudad.
Isang buy-bust operation ang iniltag ng pinagsanib na puwersa mula sa Joint Task Force Zamboanga at local police na may kaugnayan sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa isang hotel sa Gov. Camins Avenue .
Nahuli sa tatlong suspek ang ilang government-issued firearms at ammunition, kabilang dito ang dalawang Colt M16 Armalite rifles, isang M60 Machine Gun, isang M653 rifle, isang Colt MKIV cal. 45 na may pitong bala, isan Swissvale cal. 45 pistol, 14 boxes ng cal. 5.56 live ammunition, isang dusted brown envelope na naglalaman ng 800 na P1,000 na buy bust; 74 cal. 45 empty shells, isang ammunition case, isang magazine assembly para sa cal. 45 na kargado ng anim na live ammunition, at ammunition box.
Nabatid na naging pakay ng test-buy operation si Corporal Balboa
noong November 2 na nagkumpirma sa illegal activity ng sundalo.
Ayon kay Maj. Gen. Alfredo Rosario, Jr., Commander ng Western
Mindanao Command, isasalang sa isang impartial investigation ang suspek. VERLIN RUIZ