DAVAO ORIENTAL – ISANG tauhan ng Philippine Army at isang kasapi ng CAFGU ang dinukot ng mga hinihinalang kasapi ng New People’s Army sa Pulang bagani Command sa lalawigang ito.
Sa ulat ni Capt. Victor Inting Jr, public affairs officer ng 28th Infantry Battalion 10th Infantry Division, nabihag ng mga NPA sina Corporal Johannes D. Parreno ng Alpha Company ng 28th Infantry Battalion at ang kasama nitong si CAA Dindo Malibay, ng Purok Banahaw So. Sudlon, Brgy. Central, Mati City.
Nabatid na si Parreño kasama si Malibay ay pabalik na sana mula sa Mati City patungo sa kanilang patrol base sa Brgy. Taguibo matapos na tumulong sa pamimigay ng school bags sa mga mag-aaral ng Tubaon Elementary School, sa Barangay Tubaon, Tarra-gona, Davao Oriental nang masabat sila ng mga NPA na nagpanggap na militar.
Agad na naglunsad ng hot pursuit at rescue operation ang tropa ng 28th Infantry Battalion.
Ayon kay 28th IB Battalion Commander, Lt Col Miguel L Ramon, “The NPAs abduction of members of the AFP in non-combat status is a clear manifestation of their desperation and violates the provisions of the Comprehensive Agreement on the Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) and this act exemplifies the NPA as the true peace spoilers.” VERLIN RUIZ
Comments are closed.