QUEZON CITY- IPINAG-UTOS ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff, Lt. Gen. Felimon Santos Jr. ang masusing imbestigasyon hinggil sa naganap na pagsabog ng granada sa loob ng Camp Emilio Aguinaldo AFP Headquarters kahapon ng umaga na ikinasugat ng mag-ina.
Sa sketchy report, sugatan ang anak at asawa ng isang sundalo kasunod ng pagsabog ng isang granada.
Kapwa itinakbo sa V. Luna Hospital ang mga biktima habang nagsasagawa ng pagsisiyasat ang Base military Police.
Sa impormasyong ibinahagi sa media ni Marine Brigadier General Edgard Arevalo, tagapagsalita ng AFP naganap ang pagsabog sa loob ng military quarters para sa mga Enlisted Personnel na nakatalaga sa Home Affairs Office sa General Headquarters and Headquarters Service Command sa kampo.
Nangyari ang insidente bandang alas-6:20 ng umaga sa apartment unit na inookupa ni SSG Larry de Guzman .
“The soldier’s wife Erliza, 34 and his 11-year old son sustained shrapnel wounds and are now being treated at the V. Luna Hospital,” ani Arevalo.
Sinasabing may mga galos din ang sundalo habang ligtas ang limang taong gulang na anak na babae nito.
Sinasabing nag-away ang mag-asawa at posible rin umano ang ginang ang siyang nag- trigger sa grenade explosion nang iiwan siya ng kanyang asawa o aalis ng kanilang bahay. VERLIN RUIZ
Comments are closed.