SUNDALO INAGAWAN NG MIKE SA BIRTHDAY PARTY NAMARIL

baril

BULACAN-DALAWA katao ang nasawi makaraang kapwa barilin ng sundalo na napikon umano nang agawan ng mikropono habang kumakanta sa isang birthday party sa Brgy. Batia, Bocaue.

Kinilala ni P/Col. Lawrence B. Cajipe, Provincial Director ng Bulacan PNP, ang inarestong sundalo na si Sgt. Bernardino Maitem Jr., nakatalaga sa 18th SF Coy., Puerto Princesa, Palawan at nakatira sa AFP/PNP Housing, Bocaue Hills.

Napatay niya ang kapitbahay na sina Antonio Ge­raldo at alyas Tony, na kapwa nagtamo ng tama ng bala sa kanilang katawan.

Base sa report ni P/Major Marvin V. Aquino,Officer-In-Charge ng Bocaue Municipal Police Station, dakong alas-2:30 ng hapon noong Sabado nang maganap ang insidente matapos na dumalo ang suspek at mga biktima sa birthday celebration ng kanilang kapitbahay sa gitna ng inuman at kantahan ng biglang agawin ng isang alyas Edgar ang mikropono sa sundalo habang ito ay kumakanta kaya umuwi ito ng bahay.

Bumalik din sa party ang sundalo subalit bitbit nito ang  baril saka nakipagtalo hanggang mabaril ang mga biktima. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.