ISABELA – NAGHIHINAGPIS ngayon ang kaanak ng sundalo na pinatay ng umano’y miyembro ng People’s Army (NPA) sa bayan ng Jones.
Naganap ang pananambang sa Purok 7 sa Barangay San Sebastian sa bayan ng Jones.
Nakilala ang nasawi na si Private First Class Esternado Zipagan habang nasugatan naman ang militiaman na si Joey Baguiwong.
Kinondena naman ni Major General Pablo Lorenzo, commander ng 5th Infantry Division ng Philippine Army ang nangyaring pananambang. VERLIN RUIZ
Comments are closed.