ISABELA – ISANG sundalo ang patay, habang dalawa ang nasugatan sa banggaan ng van at truck alas-4 ng madaling araw sa Daang Maharlika sa Barangay Upi, Gamu.
Nakilala ang nasawing sundalo na si Army S/St. Magno Taguitag, 37, residente ng lalawigan ng Kalinga at pansamantalang nakatira sa CMFD, Gamu habang sugatan ang kanyang kasamang sundalo na si Rommel Gamboa, 28, residente ng Putik, Zamboanga City.
Nakilala naman ang driver ng wing van truck na nakabanggaan ng van na sinasakyan ng dalawng sundalo na si Antonio Peru, 33-anyos at residente ng Guibel, San Jacinto, Pangasinan.
Sa imbestigasyon ng Gamu Police Station habang patungong direksiyon ng bayan ng Naguilian ang van na minamaneho ng nasawing sundalo nang magsalpukan ang dalawang sasakyan.
Nagtamo ng malubhang sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima kabilang ang tsuper ng wing van na agad na dinala sa Gov. Faustino N. Dy Memorial Hospital sa Lunsod ng Ilagan ng mga kasapi ng Rescue DART 831 ngunit idineklarang dead on arrival ang sundalo. IRENE GONZALES
Comments are closed.