SUNDALO NASAWI SA BAKBAKAN, 2 SIBILYAN SUGATAN

NORTHERN SAMAR- ISANG tauhan ng Philippine Army ang nasawi habang dalawang sibilyan ang nasugatan nang sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng militar at communist terrorist group sa bayan ng Las Navas.

Kinilala ng 20th Infantry Batalion (IB) ng Philippine Army ang nasawing sundalo na si PFC John Vincent Bocaboc, miyembro ng community support program sa Barangay Victory.

Ayon sa 20th IB, nagkaroon ng engkuwentro sa dalawang panig noong Biyernes matapos mapansin ni Bocaboc ang isang armadong lalaki sa barangay.

Nagtamo ng sugat si Bocaboc sa iba’t ibang bahagi ng katawan, na kaniyang ikinamatay.

Nasugatan naman sa engkuwentro ang isang barangay tanod at 6 anyos na bata.

Kasalukuyang ginagamot ang dalawang nasugatan sa Northern Samar Provincial Hospital.

Kinondena naman ni Philippine National Police (PNP) Chief,
General Guillermo Eleazar ang pananalakay ng mga rebelde. VERLIN RUIZ

53 thoughts on “SUNDALO NASAWI SA BAKBAKAN, 2 SIBILYAN SUGATAN”

  1. 431800 393999Not long noticed concerning your web site and are still already reading along. I assumed ill leave my initial comment. i do not verify what saying except that Ive enjoyed reading. Nice blog. ill be bookmarking keep visiting this web web site really generally. 492588

Comments are closed.