SUNDALO TUMBA, 1 SUGATAN SA TANDEM

Patay

NORTH COTABATO – NAPATAY ang 31-anyos na sundalo habang sugatan ang kasamahan nito matapos tambangan ng riding in tandem assassins sa Central Glad, bayan ng Midsayap noong Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Private First Class Meljay Bernal habang sugatang naman si Corporal Earl Tabaranza, 31, kapwa naka-assign sa intelligence unit ng 34th infantry battalion ng Phil. Army.

Ayon kay Army’s 34th Infantry Batta­lion commander Col. Glenn Caballero, magkaangkas sa motorsiklo ang mga biktima patungo sa tindahan mula sa kampo nang dikitan at ratratin  pa­sado alas-11 ng umaga.

Narekober sa Crime scene ang apat na basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon. MHAR BASCO