NEGROS ORIENTAL -ISANG kagawad ng Philippine Army ang nasawi habang dalawa pang kasamahan nito ang malubhang nasugatan sa naganap na sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at mga rebeldeng komunista, Sabado ng gabi sa lalawigang ito.
Sa ulat na isinumite sa punong himpilan ng ng Philippine Army kagagaling lamang sa pagbibigay seguridad sa inilunsad na medical at dental mission ng Office of the President ng mga sundalo ng masabat nila ang 20 armado na umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA).
Sa impormasyong ibinahagi sa media ni Brig. Gen. Ignacio Madriaga, 302nd Brigade Commander katatapos lamang ng medical at dental mission ng Office of the President sa Barangay Bantolinao nang maganap ang sagupaan.
Pansamantalang hindi muna pinangalanan ng militar ang yumaong sundalo dahil hindi pa raw napapaalam ang insidente sa kaniyang pamilya.
Matapos ang sagupaan, may mga nakuha rin umanong pampasabog ang mga sundalo sa isinagawang clearing operation na possible makasakit ng mga sibilyan.
Ipinag-utos ni Madriaga na huwag tantanan ang paghabol sa mga nakatakas na NPA na pinaniniwalaang nalagasan din dahil sa mga nakitang bakas ng dugo sa lugar na kanilang inatrasan. VERLIN RUIZ
Comments are closed.