SUNDALO TUMBA, CAFGU SUGATAN SA TAMBANG NG NPA

NPA

CAMP MELCHOR F. DELA CRUZ. – MARIING kinondina ng 5th Infantry (Star) Division Philippine Army ang pananambang ng umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) na ikinasawi ng isang sundalo, isang kasapi ng CAFGU, na magsasagawa sana ng community support activity sa Barangay San Sebastian, Jones, Isabela.

Sa pahayag ni Army Major Noriel Tayaban ng Division Public Affairs Office (DPAO), tagapagsalita ng 5th Infantry (STAR) Division Philippine Army na nakabase sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.

Magtutungo sana ang mga sundalo sa Barangay Namnama, Jones, Isabela upang magsagawa ng isang community Support Activity  pangunahin na ang paggawa ng mga drying pavement

Anim na sundalong hindi pa pinangalanan na mga kasapi ng 86th Infantry Batallion at isang kasapi ng CAFGU ang sakay lamang ng kani-kanilang motorsiklo patungo sa barangay Namnama, Jones ngunit tinambangan sila ng hindi pa matukoy na bilang ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa San Sebastian, Jones, Isabela.

Ayon pa kay Major Tayaban na walang dalang baril ang mga sundalo nang sila ay tambangan dahil tutulong lamang sana sila sa mga opisyal ng barangay sa paggawa ng drying pavement sa Namnama, Jones.

Hindi nakapanlaban ang mga miyembro ng Philippine Army nang tambangan sila ng NPA dahil sa wala silang dalang mga baril at nagtakbuhan na lang umano sa iba’t ibang direksiyon ang mga sundalo ngunit isa sa kanila ang nasawi at ikinasugat ng isang kasapi ng CAFGU. IRENE GONZALES

Comments are closed.