SUNDALO TUMBA SA BALA NG CAL. 45

BARIL-3

LANAO DEL SUR – DEAD on arrival sa ospital  ang isang tauhan ng Philippine Army matapos na tambangan ng  hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. Basak Malutlut, Marawi City, Linggo ng hapon.

Sa ulat na nakarating sa himpilan ng Philippine Army, nakilala ang biktima na si Staff Sergeant Paul S. Polines ng 553rd Engineer Battalion.

Ayon sa imbestigasyon,  binaril ng hindi pa nakikilalang suspek ang sundalo gamit ang isang .45 pistol.

Nagawa pang maitakbo sa pagamutan  si Polines ngunit idineklara ring dead on arrival.

Patuloy na iniimbestigahan ng Marawi police at PA 103rd Brigade ang insidente habang pilit na inaalam ang responsable sa pananambang. VERLIN RUIZ

Comments are closed.