ZAMBOANGA CITY-DEAD on the spot ang isang kagawad ng Philippine Army matapos umanong barilin ng kanyang kasamahang sundalo sa Barangay Cabatangan sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi.
Ayon sa report na inilabas ng Zamboanga City Police Office, patay sa pamamaril si Technical Sgt. Joseph Cutaran, 46-anyos at residente ng nasabing lungsod.
Itinuturong bumaril sa biktima ang kasamahan niyang si Private First Class Herbert Antonio na hawak na ngayon ng mga pulis makaraang sumuko kahapon ng umaga.
Nabatid na kapwa kasapi ng Army 54th Engineering Brigade na naka base sa nabangit na barangay ang suspek at ang biktima.
Lumitaw sa isinagawang pagsisiyasat ng Zamboanga City PNP, nag-ugat ang pamamaril nang sitahin umano ni Cutaran si Antonio dahil sa hindi pag-tupad sa duty nito na bantayan ang elevated water tank ng kampo.
Nagkainitan umano ang dalawa hanggang sa nagalit ang suspek kaya binaril si Cutaran nang dalawang beses.
Pinaniniwalaang nakainom ang suspek nang mangyari ang pamamaril.
Kinabuksan, nagpasyang sumuko ang suspek na nahaharap sa kasong pagpatay. VERLIN RUIZ
Comments are closed.