SUNDALO UTAS SA DRUG OPERATION

BICOL- ISANG aktibong miyembro ng Philippine Army na sinasabing kasapi ng organized drug group na kumikilos sa Bicol Region ang napatay sa inilunsad na anti narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Kinilala ng PNP Regional Police Office 5 ang napaslang na sundalo na si Corporal Aaron Magbuhat, 33-anyos na miyembro ng Rigo-Magbuhat Group at sinasabing isang high value target at kabilang sa Regional Watchlist sa Bicol.

Ayon kay Maj. Larry Niño Prepotente, hepe ng Guinobatan MPS, isang joint buy bust operation ang inilatag ng PDEA at PNP laban sa suspek.

Subalit nauwi ito sa palitan ng putok matapos na manlaban ang suspek nang mapunang mga awtoridad ang kanyang kaharap.

Dahil sa tinamong tama ng bala ng baril, binawian ng buhay si Magbuhat habang wala namang naitalang sugatan sa panig ng mga operatiba.

Narekober kay Magbuhat ang service firearrm na kalibre 45, pampasabog at 2 gramo ng shabu.
VERLIN RUIZ