SUNDALO UTAS SA KAPWA SUNDALO

CAGAYAN-PATAY ang isang miyembro ng Philippine Army matapos na barilin ng kapwa sundalo sa loob mismo ng kanilang kampo sa Barangay Piggatan, Alcala ng nabangit na lalawigan.

Kinilala ni Major Jekyll Julian Dulawan, tagapagsalita ng 5th Infantry (Star) Division Philippine Army na nabase sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela ang nasawi na si Sgt Paulino Gavino Jr, 29-anyos, residente sa bayan ng Mallig, Isabela.

Habang nakilala naman ang suspek na si Cpl Rickson Rulloda, 32-anyos, residente ng Bagabag, Nueva Vizcaya na kusang sumuko sa mga awtoridad.

Nabatid na kapwa nasa impluwensiya ng alak ang dalawa na kapwa nakatalaga sa 77th Infantry Battalion Philippine Army sa bayan ng Alcala, Cagayan.

Sa pagsisiyasat, napag-alamang nagkainitan umano ang dalawang sundalo dahil lamang sa deployment ng kanilang duty hanggang sa bumunot ng kanyang service firearm na Glock 17 si Rulloda at binaril sa tiyan ang biktima na binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Nasa pangangalaga na nang 5th ID Camp Melchor F. Dela Cruz ang suspek na maaring maharap sa kasong criminal at administrative. IRENE GONZALES

2 thoughts on “SUNDALO UTAS SA KAPWA SUNDALO”

Comments are closed.