SULU – INIUWI na sa Isabela ang labi ng sundalong namatay sa pananambang sa Patikul noong Biyernes.
Kinilala ito na si Cpl. Herald Tomas Marayag na residente ng Centro Dos, San Guillermo.
Sinabi ni Maj. Jefferson Somera, pinuno ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division (ID), na isinakay ang labi sa C130 plane.
Inihayag naman ni Anita De Guzman, residente ng Upi, Gamu, lola ni Marayag, siyam na taon aniyang nasa serbisyo ang kanyang apo at magtatatlong taon nang naitalaga sa Patikul kung saan nasawi siya sa naganap na pananambang ng mga kalaban ng pamahalaan.
Inilarawan ni De Guzman ang kanyang apo na huwaran na anak at huwaran ding kawal ng pamahalaan. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.