‘SUNDALONG SMUGGLER’ IIMBESTIGAHAN

Edgard Arevalo

CAMP AGUINALDO – MAKIKIPAG-UGNAYAN ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nararapat na ahensiya ng gob­yerno para makakuha ng tamang impormas­yon.

Ito ay matapos ang ulat ng Bureau of Customs (BOC) na aabot sa $370 milyon na mga smuggled product nang nakalipas na taon ang nakapasok sa bansa dahil sa pag-i-escort umano ng mga sundalo at airport police.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, beberipikahin nila ang impormasyon dahil tanging sa media lamang nila nakuha ang balita.

Giit ni Arevalo, hindi kukunsintihin ng AFP ang mga sundalong nasasangkot sa ganitong illegal activities kung mayroon man.

Sa ngayon aniya iimbestigahan muna nila ang isyu at kapag may resulta na at saka magbibigay ng komento ang AFP.

Samantala, blangko naman ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at AFP sa nasabing halaga na umano’y naipuslit.

Sinabi naman ni Año hindi nila palalagpasin ito at makikipag-ugna­yan sa BOC upang maberipika at maimbestigahan ang nasabing report.

“Officially we have heard that report only coming from the media, wala tayong tuwirang impormasyon right now kung mayroon ba tayong AFP  personnel na naka-assign doon for that period, so allow us to check,” ayon pa kay Año. REA SARMIENTO/VERLIN RUIZ

Comments are closed.