(Kahit bina-bash) SUNDAY PINASAYA NANANATILING MATAAS ANG RATING

MASAYANG-masaya ang Team Sunday PinaSaya, cast and production staff dahil nanatili silang showbiz eyenumber one sa rating ng Sunday noontime show sa AGB Nielsen, sa NUTAM simula pa nang mapanood sila sa ere three years ago, August, 2015.

Kaya naman nagbigay ng thanksgiving dinner si Mr. Tony Tuviera ng APT Entertainment na siyang producer ng “Sunday PinaSaya” for GMA Network sa Victorino’s last Saturday.  Present ang buong cast at production staff, si Alden Richards at nagkata-on pang birthday rin ni Ai Ai kaya double ang celebration.

Kahit bina-bash lagi ang show, nagpapasalamat pa rin ang SPS sa kanilang mga televiewer dahil gusto raw lamang nilang pasayahin ang mga manonood tuwing Linggo sa abot ng kanilang kakayahan. Thankful din sila na lahat ng mga advertiser na hindi nagsasawang pumasok sa kanilang show.

MGA LGBT KINILALA SA QUEEN OF QUEZON CITY 2018

SA full-packed na UP Theater Villamor Hall sa UP Diliman, Quezon City ginanap ang grand coronation night ng “Queen of Quezon City 2018” noong Sabado ng gabi, Nobyembre 10.  Maganda ang ginawa ng QC Pride Council, na binigyan ng kani-kanilang lugar ang mga kabarangay ng 23 official candidates ng LGBT beauty pageant.

Objectives ng “Our City Pride” ang “recognizing gay citizens as productive members of the city community, na ang Quezon City ang showcase at model of a progressive and democratic local government unit, worthy of emulation.

Mga host ng gabi si 2002 Binibining Pilipinas Karen Agustin at TV host Paolo Bediones.

Mabilis ang presentation ng 23 candidates representing each barangay. Sumunod ang pagrampa ng bawat candidate na suot ang creative costumes na gamit nila ang mga paru-paru (butterflies) sa mga suot nila.  Nanalo ng Best in Creative Costume si Pamz Diaz ng Brgy. Gulod.

Sumunod na inirampa nila ang one piece swimsuit na winner naman ng Best in Swimsuit si Casey Banes Paculan ng Brgy. Pinyahan.  Nanalo rin siya ng Simply G Award, Darling of the Press, presented by columnist Jun Nardo, Miss Photogenic, at nang ru­mampa ang mga candidate in long gown si Casey rin ang nanalo sa Best in Long Gown. Winner din siya ng WEMSAMP Choice Award.

Ang iba pang special awards winners: Above Sea Level, Naomi Fontanes ng Brgy. UP Village. Siya rin ang nanalo ng Best in Talent;  Miss Friendship si Samantha Garcia ng Brgy. Bagong Silang; Queen of Social Media si Louise Manalo ng Brgy. San Roque.

Pumili muna ng Top 12 bilang mga semi-finalist at mula sa kanila pinili ang Top 4 finalists.  Isa lamang ang question na itinanong sa kanila na tungkol sa LGBT.

At ang mga nanalo: 2018 Queen of Quezon City si Casey Banes Paculan; Lady Pride si Rami Hannash; Lady Respect si Pamz Diaz at Lady Equality Glen Antolin ng Brgy. Sta. Monica .

Ang 2018 Queen of Quezon City ay tumanggap ng 300 thousand cash prize, a wardrobe worth 200 thousand pesos at ang tatlo niyang runner-ups ay tumanggap ng 100 thousand cash each and crown.  Lahat din ng nanalo ng special awards ay tumanggap ng corresponding cash prizes.

Comments are closed.