SUNDAY THRILLER (Kings, Tropang Giga sa krusyal na Game 4)

tnt vs ginebra game 4

MULING magtatangka ang Barangay Ginebra na makalapit sa korona habang pipilitin ng TnT na maitabla ang serye sa krusyal na Game 4 ng best-of-seven PBA Philippine Cup finals ngayon sa AUF Gym sa Angeles City, Pampanga.

Nakatakda ang laro sa alas-6 ng gabi.

Sa pagwawagi sa Game 3 na wala si Bobby Ray Parks noong Biyernes, 88-67, nakaiwas ang Tropang Giga na malasap ang ikatlong sunod na talo sa finals sa franchise history at nabuhay ang kanilang title campaign.

Sinabi ni TNT coach Bong Ravena na sumunod ang kanyang tropa sa kanilang rules at naglaro na puno ng determinasyon na mapigilan ang Ginebra. Aniya, plano nilang muli itong gawin upang ilagay ang serye sa race-to-two affair.

“Ipinakita namin ‘yung kailangan na sense of urgency. Ganun pa rin ang mentality sa next game,” sabi ni Ravena.

Aminado ang Tropang Giga na hindi nila mapapayagan ang Kings na kunin ang 3-0 bentahe at ngayon ay 3-1 lead dahil mahirap itong talunin ng apat o tatlong sunod.

Ang panalo noong Biyernes ay una sa apat na laro ng TNT kontra Ginebra sa torneo.

Nais namang kalimutan ni Ginebra coach Tim Cone ang nalasap na kabiguan sa Game 3.

“We’re still in control of the series. They broke whatever little momentum we had. And we’ll see if we can get it back,” ani Cone.

“We’ll go from here. Last game is over. We’ll move on and focus on the next one.”

Ang isa pang maaaring makapagpabago sa laro ay kung makabalik na si Parks sa Game 4. CLYDE MARIANO

Comments are closed.