SUNFLOWER FARM SA SAN PABLO CITY, LAGUNA

SUNFLOWER FARM

(Ni: CYRILL QUILO)

ANG mga bulaklak ay sadyang maganda sa paningin ng tao. Sa tuwing tayo ay nakakakita ng bulaklak, napangingiti tayo nito. Ginagawa rin itong peace offering sa mga may naging kaalitan tulad sa mga magkasintahan. Sa panahon naman ng pighati at pakikiramay, bulaklak din ang pabaon. Marami ang simbolo ng bulaklak, maaaring alaala ng pagiging masaya o malungkot.

Ang sunflower o genus helianthus ay mula sa Greek word na “helios” na ang ibig sabihin ay araw o sun at “anthos” na ibig sabihin naman ay bulaklak o flower. Marami ang ibig sabihin ng sunflower, maaaring ito ay paghanga at pagiging tapat. Sa China, sumisimbolo umano ito ng long-life, good fortune at vitality. Sa Amerika naman, nagri-represent ito ng masagana at maraming ani.

Ang dilaw na kulay ng sunflower ay sumisimbolo ng vitality, katalinuhan at kaligayahan. Maaari rin itong simbolo ng pagkakaibigan, pagiging tapat at pagsamba dahil ito ay inihahalintulad sa “araw o sun”. Ang iba, ginagawa itong korona dahil sa mataas na katulad ng araw at laging nakatingala.

Ang matingkad na kulay dilaw ay simbolo ng goodluck, katalinuhan at good health.

Kahit tapos na ang Araw ng mga Puso kung saan mahal ang bulaklak. Sa San Pablo City, Laguna naman ay may isang lugar na may sariwang bulaklak na talaga namang masisiyahan ka sa laki na ka­sintaas natin—ang “sunflower farm” sa Joni and Susan Agroshop and Integrated Farms. Halos dalawang ektaryang lupain na nasa Maharlika Highway, Barangay San. Ignacio sa San Pab­lo City. Nagsimula noong 2018 lamang at root crops o lamanlupa lamang ang nakatanim. Ngayon ay may mushroom o kabute rin sila na talagang nakabubusog na maaaring gawing ulam tulad ng  tocino, longanisa at burger patties.

Kung tapos ka na sa pagpapalitrato sa magagan­dang bulaklak at type mo rin ang adventure, maaari mong libutin at tuklasin ang magandang tanawin dito gamit ang ATV. Mas madali mong malilibot ang dalawang ektaryang lupain na puno ng halaman, root crops at bulaklak.

Talaga namang nakaaalis ng pagod na dulot ng isang linggong trabaho.

Patok din sa mga balik- bayan natin na nais libutin at mag-enjoy sa kanilang bakasyon sa Filipinas na hindi na kinakailangan pang lumayo sa Metro Manila.

Comments are closed.