Sunnies Studios is the best

Shania Katrina Martin

Binuo ng mga “it” girls na sina Bea, Georgina, at Martine ang Sunnies upang maging paborito ng lahat at heto, nagawa nila ang kanilang plano. Dati, sunglasses brand lang, ngayon, nag-branched out na ito sa paggawa ng IG-worthy cosmetics line. Ngayon, meron na rin silang skincare! Ano pa kaya ang susunod?

Ipinanganak sa Pilipinas pero lumaki sa California si Martine Cajucom-Ho. Pinsan niya si Georgina Wilson na kaibigan naman ni Isabelle Daza. Tinatawag silang “it” girls. Then, nagsimula silang magnegosyo ng eyewear brand noong 2013 sa pangunguna ni Georgina, at tinawag nila itong Sunnies Studios, na naging isang lifestyle brand na nag-expand sa makeup line (Sunnies Face) at restaurant concept (Sunnies Café).

Kahit madaling sumikat, may kakumpitensya rin ang sunnies. Ang mga alternatives at posibleng competitors ng Sunnies Studios ay NaturChem , Marvel Optics , at The Best Shop.

Nagkaroon ng Sunnies controversy na tinawag nilang “Marcos Apologists”, matapos mag-tweet ng support si Georgina Wilson ng suporta kay Bongbong Marcos noong 2016 election. Nag-boycott ang mga kalaban sa kanilang brand. Agad naman silang nakabawi.

Sa panahong iyon, inilunsad naman nila ang sunnies face at naging pamoso din ito agad. Kilala ang Sunnies Face sa paglikha ng perfect color focused edits of today’s makeup essentials. Talagang napakahusay ng “it” girls sa pagpili ng magagandang bagay na magugustuhan ng mga katulad nila. Mula sa beauty brand, amahaling formulated products, packaging, at friendly pricing, sila talaga ang the best. This is the beauty line you’ve always dreamt of.

Kapag sinabing sunnies, sunglasses agad ang maiisip mo. Ito ang paboritong sootin ng mga piloto. Nakatutulong kasi ito sa kanila upang apagbuti ang kanilang performance. Ang Sunnies Studios ay Philippine-based lifestyle brand na nagsimula sa product line ng sunglasses. Nang lumaon, nagkaroon na rin ng Sunnies Face Fluffmatte lipsticks na perfect combination ng texture at kulay. Creamy sila at matte lipsticks na maraming kulay na pagpipilian. Hindi siya masyadong long-lasting, pero grabe sa ganda. Water at smudge-resistant ang Lashlift at pwedeng walang retouch sa loob ng limang oras. The best talaga.SKM