ISABELA-ISANG sunog na katawan ng lalaki ang natagpuan ng awtoridad na pinaniniwalaang pinatay muna bago sinunog sa pamamagitan ng mga goma sa may Barangay Carmensita, Delfin, Albano ng nabanggit na lalawigan.
Ayon kay P/Capt. Fresiel Dela Cruz, hepe ng Delfin Albano Police Station, inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng bangkay ng lalaki na halos nauling na at hirap na matukoy dahil sa tinamong 3rd degree burns at tanging ang suot nitong sinturon ng buckle ang tanging palatandaan ng biktima.
Sinabi ng PNP Delfin Albano, una silang nakatanggap ng ulat mula sa Kapitan ng Barangay Carmencita kaugnay sa nasusunog na bangkay na kaagad namang nagtungo sa nasabing lugar ang mga pulis.
Sa isinagawang imbestigasyon, sinabi ng ilang saksi na dakong alas-11 ng gabi nang may namataan umano silang dumaang motorsiklo sa nasabing lugar at hindi nagtagal ay sumiklab ang isang napakalaking apoy mula sa nasusunog na goma kung saan nakita nila na isang nasusunog na bangkay ngunit, natakot umanong lapitan ng mga residente ang lugar.
Nagsasagawa na ng awtopsiya ang SOCO Isabela para matukoy kung pinatay muna ito bago sinunog.
Kasunod nito, nagbigay na ng alarma ang Delfin Albano Police Station sa mga kalapit na himpilan ng pulisya, kung may naghahanap na pamilya na nawawala sa kanilang lugar, subalit wala pa rin silang natatanggap na report kaugnay sa mga nawawalan ng kamag-anak. IRENE GONZALES
Comments are closed.