MAKARAAN ang mahigit isang linggo, naapula na rin ang sunog sa bundok ng Barangay Anchokey sa Kabayan, Benguet.
Paliwanag naman ni Municipal Fire Marshal Hilario Caniedo, inabot ng isang linggo ang sunog sa nasabing bundok at hindi kaagad nakaresponde ang mga bumbero dahil matarik ang daan.
Sa ngayon ay maliliit na bahagi na lamang ng bundok ang may apoy subalit balot pa rin ng usok ang bundok.
Naglagay na rin sila ng fire line sa bundok kung saan tinabas nila ang mga damo para hindi na kumalat pa ang apoy.
Kabilang sa mga napinsala ay isang bahay na hindi pa tinitirhan at ilang agricultural land na walang tanim.
Samantala, wala namang naulat na nasawi o nasugatan sa sunog.
Inaalam pa sa ngayon kung ano ang pinagmulan ng apoy. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.