SUNOG SA MUNTINLUPA 8 SUGATAN

sunog5

WALO katao ang  sugatan nang masunog ang ilang kabahayan kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Nilalapatan ng lunas sa isang ospital ang mga biktimang sina Rodel Sodnun,  38; John Paul Dela Cruz, 15; LeaAutor, 45; Morquiri Calindo, 12; Kent Flarry, 18; Clous Villamor, 35; Felly Rose Polairo, 34 at Joshua Serenas, 27, pawang residente  sa Purok 6,  Brgy.  Sucat  ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD),  sumiklab ang sunog dakong alas-6:30 kamakalawa ng gabi sa Creekside ng naturang lugar

Ayon sa SPD, ­umabot sa ikatlong alarma ang sunog matapos masunog ang ilang kabahayan sa naturang lugar.

Ang nabanggit namang biktima ayon sa report ay pinilit na maisalba ang kanilang kagamitan na naging sanhi rin nang pagka-sugat ng mga ito.

Kaagad namang dinala ng rescue team sa isang ospital ang mga biktima upang malapatan ng lunas.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy at kung magkanong halaga ng mga ari-arian ang napinsala. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.