SUNOG SA SEMENTERYO NG QC

SUMIKLAB ang sunog sa bahagi ng mga apartment tomb sa Bagbag Public Cemetery sa Que­zon City sa mismong raw ng Undas kahapon ng umaga.

Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa lugar ng mga informal settler sa gilid ng sementeryo bandang alas-9 ng umaga.

Mabilis itong kumalat at itinaas sa unang alarma bandang alas-9:02 ng umaga.

Makalipas ang ilang minuto ay iniangat ito sa ikalawang alarma at idineklarang fire under control bandang alas-9:45 ng umaga.

Idineklara naman itong fire out pagsapit ng alas-10:17 ng umaga.

Hanggang sa kasa­lukuyan ay patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at ha­laga ng pinsala.

EVELYN GARCIA