WALO katao ang nalitson ng buhay kabilang ang dalawang bata na nasa edad 7 at 9 nang tupukin ng apoy ang 80 kabahayan sa Village A, UP Campus, UP Diliman, Quezon City nitong Lunes ng umaga.
Ayon kay CInsp. Jessie Q Samaniego ng Quezon City Fire District (QCFD), bandang ala-5:20 ng umaga (May 2) nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag sa loob ng silid ng isang nakilalang Emirys Richard Artuge sa R6A Employees Village A UP Campus, Brgy. UP Campus, Diliman, Quezon City.
Bandang ala-6:35 ng umaga nang maapula ang apoy sa nasunog na apartment na pag-aari ng isang Apolinario Candila Almo, kung saan ay umaabot sa 150,000 ang natupok na mga ari-arian.
Nasa 80 kabahayan ang nasunog at aabot sa 250 pamilya ang nawalan ng tahanan na umabot ng ikalawang alarma.
Inaalam pa ng mga arson investigator ang pagkakakilanlan ng mga nasawi at sanhi ng nangyaring sunog sa nasabing lugar. EVELYN GARCIA