CAVITE – GINULAT ang mga residente sa Aplaya, Brgy. Wawa II, Rosario kahapon nang masunog ang isa sa mga bahay na gawa sa light materials.
Agad nagtulong-tulong ang mga residente at mano-manong binuhusan ng tubig ang natutupok na bahay habang hinihintay ang pagresponde ng pamatay-sunog.
Kilala ang lugar na ito na makipot, masikip, maraming tao at dikit-dikit din ang mga bahay na posibleng masunog lahat kung hindi agad maaagapan.
Ayon sa Bureau of Fire and Protection ng Rosario, Cavite, isang bahay lamang ang natupok sa sunog at walang naitalang nasugatan at nasaktan.
Agad naapula ang sunog at idineklarang fireout dakong alas-2:42 ng hapon at kasalukuyan na rin iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog.
SID SAMANIEGO