SUNRISE SA KILTEPAN PEAK ‘DI MASISILAYAN

kiltepan peak

PANSAMATALANG hindi makikita ang pagbukang-liwayway sa Kiltepan peak sa Sagada.

Ito ay nang maglabas ng abiso ang lokal na pamahalaan ng Sagada na pansamantalang isasara sa mga turista ang Kiltepan Peak kasunod ng sunog na naganap doon noong Huwebes.

Sa post ng Sagada Municipality sa Facebook noong November 9, sinabi nito na ang lahat ng “tours” sa Kiltepan Peak ay “temporarily prohibited until further notice.”

Maaaring bisitahin ang Tourist Information Office para sa alternatibong lugar para sa sunrise viewing.

Noong Huwebes ng gabi (November 8) nasunog ang isang building at isang restaurant malapit sa lugar kung saan karaniwang inaabangan ng mga bisita ang sunrise sa Kiltepan Peak.

Wala namang nasugatan o nasawi sa sunog.    PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.