SUNS BALIK ANG INIT

NAGBUHOS si Kevin Durant ng 41 points at pinutol ng  Phoenix ang kanilang three-game losing streak sa 120-106 panalo laban sa host Detroit nitong Linggo.

Nagdagdag si Durant ng 5 assists, 4 rebounds at 2 blocks. Tumapos si Eric Gordon na may  21 points, 8 assists at 5 rebounds para sa Suns na naglaro sa kanilang unang  regular-season game laban kay dating coach Monty Williams, na sinibak ng Phoenix matapos ang nakaraang season.

Nanguna si Cade Cunningham para sa Pistons na may 26 points at 6  assists. Kumana si rookie Marcus Sasser ng season-high 22 points na sinamahan ng 4 assists mula sa bench, subalit natalo ang Detroit sa ika-4 na sunod na pagkakataon.

Cavaliers 115,

Warriors 104

Namayani si Donovan Mitchell sa scoring duel kay Stephen Curry, dinomina ni Evan Mobley ang glass na may 16 rebounds at tinapos ng host Cleveland ang road winning streak ng Golden State sa apat na laro.

Tumapos si Mitchell na may game-high 31 points at nagdagdag si Darius Garland ng 24 para sa Cavaliers — na hindi pa tinalo ang Warriors sa isang regular-season game magmula noong  Christmas Day 2016 — na nanalo sa ikalawang pagkakataon sa huling tatlong laro.

Tumipa si Curry ng team-high 28 points at umiskor si Draymond Green ng 18 na may game-high 8 assists para sa Warriors, na sinimulan ang four-game trip sa 141-139 panalo sa Oklahoma City noong Biyernes.

Grizzlies 112,

Blazers 100

Nagpasabog si Desmond Bane ng 30 points, 8  rebounds at 5 assists at naiposte ng Memphis Grizzlies ang kanilang unang panalo sa season sa come-from-behind victory kontra host Portland Trail Blazers.

Kumabig si Jaren Jackson Jr. ng  27 points at 7 rebounds para sa Memphis na pinutol ang season-opening six-game losing streak.

Ang 0-6 run ang pinakamasamang simula ng Grizzlies magmula nang matalo sa kanilang unang 13 laro sa  2002-03 season.

Umiskor si Jerami Grant ng 27 points para sa Trail Blazers, na naputol ang three-game winning streak halted. Nagtala si Malcolm Brogdon ng 18 points, 11 assists at 7 rebounds at nagdagdag si Shaedon Sharpe ng 18 points at 8 rebounds.

Binura ng Memphis ang 12-point fourth-quarter deficit, at tinapos ang laro sa 26-2 burst. Bumuslo lamang ang Blazers ng 5 of 25 shots sa huling  12 minuto ng laro.

Sa iba pang laro ay pinataob ng Mavericks ang Hornets, 124-118, at ginapi ng Raptors ang Spurs, 123-116 sa overtime.