SUNS NAKAUNA

suns vs bucks

NAGBUHOS si Chris Paul ng 32 points upang pangunahan ang Phoenix Suns sa 118-105 panalo kontra Milwaukee Bucks sa opening game ng championship series noong Martes (Miyerkoles sa Manila).

Ang 36-year-old backcourt maestro, na nasa kanyang ika-16 na season, ay nagdagdag din ng 9 assists habang nag-ambag sina Devin Booker ng 27 points at 22-year-old Bahamas big man Deandre Ayton ng 22 points at 19 rebounds sa pag-domina sa Bucks.

“I just kept trying to be aggressive and my guys got going,” wika ni Paul. “It’s trust. We’ve played like this all season. We just have to stay locked in.”

Sisikapin ng Phoenix na kunin ang 2-0 lead sa pagpapatuloy ng best-of-seven showdown sa Huwebes (Biyernes sa Manila).

“There was a lot of energy coming into this game,” sabi pa ni Paul. “We got one. We’ve got to get another one.”

Ang Suns, nasa NBA Finals sa unang pagkakataon magmula noong 1993, ay nagtatangka sa kanilang unang  league title habang ang Bucks, nasa ka-nilang unang finals magmula noong 1974, ay may nag-iisang korona, 50 taon na ang nakalilipas.

“We’ll look at the film,” pahayag ni Bucks coach Mike Budenholzer. “We’ll get smarter. We’ll get better for game two.”

Naging starter ng Milwaukee si Greek star forward Giannis Antetokounmpo, na lumiban ng dalawang laro dahil sa hyperextended left knee, at nag-ambag siya ng 20 points at 17 rebounds sa loob ng 35 minuto.

Subalit sa kabila ng 29 points mula kay Khris Middleton, hindi ito sapat laban kay Paul at sa mas mabilis at agresibo sa depensang Suns squad.

Nagtala si Paul ng 12-of-19 mula sa floor, 4-of-7 sa 3-point range, at 4-of-4 mula sa free throw line.

Kumamada si Paul ng 6-of-7 para sa 16 points sa third quarter, nang palobohin ng Suns ang kalamangan sa hanggang 20 points.

Umiskor si Antetokounmpo mula sa rebound upang makalapit ang Milwaukee sa 101-94 sa fourth quarter, subalit isang steal at hoop ni Paul ang nagpalayo sa Suns.

Si Ayton ay naging unang player na may 15 points at 15 rebounds sa kanyang NBA Finals debut matapos na gawin ito ni Tim Duncan noong 1999.

Nagposte ang Suns ng 25-of-26 mula sa free throw line, kung saan nagmintis lamang sila sa huli.

5 thoughts on “SUNS NAKAUNA”

  1. 140205 205501Gems form the internet […]very couple of websites that happen to be detailed below, from our point of view are undoubtedly properly worth checking out[…] 893666

Comments are closed.