SUNS NAKAUNA SA CLIPPERS; SIXERS SILAT SA HAWKS

suns vs clippers

NAGPASABOG si Devin Booker ng 40-point triple double upang pangunahan ang Phoenix Suns sa 120-114 panalo laban sa fourth-seeded Los Angeles Clippers sa opening game ng Western Conference finals.

Kumalawit din si Booker ng 13 rebounds at nagbigay ng 11 assists para sa kanyang unang career triple double at nagwagi ang Suns sa kabila ng pagkawala ni all-star guard Chris Paul na isinailalim sa Covid-19 health and safety protocols ng NBA.

Si Booker ay nagpakitang-gilas sa harap ng  16,583 crowd sa Phoenix Suns Arena.

Lalaruin ang Game 2 sa Martes ng gabi sa Phoenix.

Tumipa si Deandre Ayton ng 20 points na may 9 rebounds habang umiskor  sina Mikal Bridges (14 points), Jae Crowder (13 points) at Cameron Johnson (12 points) ng double digits para sa Suns.

Kapwa hindi nakasama ng dalawang koponan ang kanilang star players — si Clippers forward Kawhi Leonard ay nagtamo ng knee injury sa Game 4 ng second round kontra Jazz.

Nagbuhos si Paul George ng 34 points, habang nagdagdag sina Reggie Jackson ng 24 points at DeMarcus Cousins ng 11 points mula sa bench para sa Clippers.

HAWKS 103,

76ERS 96

Sinibak ng Atlanta Hawks ang No. 1-seeded Phildelphia 76ers, 103-96, sa Game 7 upang umabante sa NBA Eastern Conference Finals.

Nagtala si Kevin Huerter ng 27 points sa 10-for-18 shooting sa impresibong Game 7 performance para sa Hawks.

Nagdagdag si Trae Young ng 21 points at 10 assists habang tumipa si John Collins ng 14 points at kumalawit ng 16 rebounds sa panalo. Nag-ambag si Danilo Gallinari ng 17 points mula sa bench, kabilang ang sa final minute ng laro.

Makakasagupa nila ang Milwaukee Bucks, na pinatalsik ang Brooklyn Nets sa isa pang second round pairing sa  East.

Isinalpak ni Huerter ang tatlongfree throws sa final minute upang bigyan ang Hawks ng 96-92 lead, habang gumawa si Gallinari ng krusyal na steal na nai-convert niya sa isa pang basket ng Atlanta, 98-92, may 41.8 segundo ang nalalabi.

Kumamada si Joel Embiid ng 31 points at 11 rebounds para sa Sixers habang nagdagdag si Tobias Harris ng 24 at 14.

47 thoughts on “SUNS NAKAUNA SA CLIPPERS; SIXERS SILAT SA HAWKS”

  1. 851848 517069Wow, incredible blog layout! How long have you been blogging for? you make blogging appear simple. The overall look of your website is great, as effectively as the content material! xrumer 146259

Comments are closed.