SUNS PINABAGSAK ANG ROCKETS

KUMANA si Kevin Durant ng  triple-double na kinabilangan ng career-high-tying 16 assists habang nagposte sina Devin Booker at Eric Gordon ng pinagsamang 47 points upang tulungan ang Phoenix Suns sa 129-113 road victory kontra Houston Rockets noong Miyerkoles.

Nagtala si Durant ng  27 points at 10 rebounds at nagsilbing orchestrator para sa  Suns. Ang kanyang mabilis na pagpasa ay gumiya sa balanced first-half offensive attack at nang kailanganin ng Suns ang kanyang scoring prowess ay ipinakita ni Durant na kaya niya ito.

Nakalikom si Booker ng 20 points at 7 assists habang naitala ni Gordon ang 17 sa kanyang 27 points sa breathtaking second-quarter shooting display.

Natalo ang Rockets sa ikatlong pagkakataon sa apat na laro sa kainitan ng 11-game homecourt winning streak. Nanguna si Alperen Sengun para sa Houston na may 24 points habang nagdagdag si Jalen Green ng 23. Subalit bumuslo ang Rockets ng 41.7 percent at nahirapang sumabay sa Phoenix, na lumamang ng hanggang 21.

Si Grayson Allen ang unang nanalasa para sa Suns, ibinuhos ang 10 sa kanyang 16 points sa first period habang bumuslo ng 4 of 5 mula sa floor. Ang kanyang three-point play sa 1:45 mark ay nagbigay sa Phoenix ng unang double-digit lead nito sa 28-18. Nakakolekta ang Suns ng 8  assists sa 11 baskets sa frame.

Si Durant ay may double-double (10 points, 10 assists) habang kumabig si Gordon ng 21 points sa 8-for-10 shooting sa first half. Nagtala sina Sengun at Green ng pinagsamang 29 points bago ang intermission, subalit ang kanilang teammates ay bumuslo lamang ng 9 for 23 sa half. Bumuslo ang Suns ng 60 percent bago ang halftime.

Thunder 129,
Knicks 120

Umiskor si Jalen Williams ng career-high 36 at tumapos din si Shai Gilgeous-Alexander na may 36 points nang gapiin ng host Oklahoma City Thunder ang New York Knicks.

Nagwagi ang Thunder sa ika-5 pagkakataon sa anim na laro. Nahulog ang  Knicks sa 5-6 sa kanilang huling  11 laro.

Ang panalo ay pinangunahan ng core trio ng Oklahoma City na sina  Gilgeous-Alexander, Williams at rookie big man Chet Holmgren.

Gumawa si Williams ng  17 points sa fourth quarter at tumapos na 13 of 17 mula sa floor, at naipasok ang lahat ng lima sa kanyang 3-point attempts.

Si Gilgeous-Alexander ay 13 of 23 mula sa floor at nagdagdag ng 8  assists at 7 rebounds.

Tumipa si Holmgren ng 22 points, bumuslo ng 8 of 10 sa arc at  1 of 4 mula sa long distance.

Raptors 132,
Wizards 102

Nagbuhos si OG Anunoby ng 26 points at nagdagdag si Pascal Siakam ng  22 points at season-high 11 assists upang tulungan ang bisitang Toronto Raptors na putulin ang  three-game losing streak sa panalo kontra Washington Wizards.

Nag-ambag si Scottie Barnes ng 20 points, 12 rebounds at 8 assists para aa sa Toronto, na hindi na lumingon pa makaraang malamangan ang Wizards sa first quarter. Umiskor si Gary Trent Jr. ng 12 points at tumipa si Jakob Poeltl ng 10.

Tumabo sina Kyle Kuzma at Jordan Poole ng tig- 14 points upang pangunahan ang Washington. Tumipa si Corey Kispert had 13 points, umiskor sina Deni Avdija at Daniel Gafford ng tig-12 at tumapos si Tyus Jones na may  11.