PINUTOL ng Golden State Warriors ang 18-game winning streak ng Phoenix Suns at nabawi ang top spot sa Western Conference sa likod ng long-range barrage na pinangunahan ni Stephen Curry sa 118-96 panalo sa San Francisco.
Tumapos si Curry na may game-high-tying 23 points, karamihan ay nagmula sa anim sa 19 3-pointers ng Warriors na naiganti ang 104-96 pagkatalo sa Phoenix noong Martes.
Ang panalo ay ika-11 sunod ng Warriors sa home.
Napantayan ni Deandre Ayton ang 23 points ni Curry upang pagbidahan ang Suns, na ang 18-game winning streak ay isang franchise record at napantayan ang 11th-longest run sa kasaysayan ng NBA. Naglaro ang Phoenix sa ikalawang sunod na game na wala si leading scorer Devin Booker (hamstring).
Sa iba pang laro: Pelicans 107, Mavericks 91; 76ers 98, Hawks 96; Rockets 118, Magic 116; Clippers 119, Lakers 115; Nets 110, Timberwolves 105; Jazz 137, Celtics 130; Heat 113, Pacers 104; Cavaliers 116, Wizards 101.