NAGBUHOS si Jayson Tatum ng 29 points, 10 rebounds at 7 assists, at tumapos si Jaylen Brown na may 27 upang tulungan ang bisitang Boston Celtics na maiwasan ang kaninang unang three-game losing streak sa season sa pagdispatsa sa Phoenix Suns, 117-107, noong Sabado ng gabi.
Umiskor si Tatum ng 22 points sa second half, 13 dito ay sa fourth quarter.
Nakakuha ang Phoenix ng season-high 45 points na sinamahan ng 10 rebounds at 6 assists mula kay Kevin Durant, na 18 of 26 mula sa field. Ito ang ika-5 laro ni Durant na nagtala siya ng hindi bababa sa 40 points ngayong season.
Nagdagdag si Bradley Beal ng 25 points para sa Suns, na nagtatangka sa kanilang ikatlong sunod na panalo. Tumapos si Jusuf Nurkic na may 11 points at 11 rebounds.
Nakakolekta si Boston’s Al Horford ng 9 points at 12 rebounds, at nag-ambag si Luke Kornet ng 14 points at 6 rebounds mula sa bench.
Spurs 126,
Warriors 113
Tumipa si Keldon Johnson ng 22 points at kumalawit ng 11 rebounds at nagdagdag sina Jeremy Sochan at Malaki Branham ng tig-20 points para sandigan ang bisitang San Antonio Spurs sa panalo kontra Golden State Warriors.
Ang laro ay una sa pares ng home-and-home clashes sa pagitan ng dalawang koponan sa loob ng tatlong araw, kung saan ang ikalawa ay nakatakda sa Lunes sa San Antonio.
Pinutol ng San Antonio ang two-game losing streak, subalit sa 14-50 ay nasa ilalim pa rin ng Western Conference standings.
Ang mga koponan ay naglaro na wala ang kanilang star players — sina Warriors’ Stephen Curry at Spurs’ Victor Wembanyama ay hindi naglaro dahil sa ankle injuries. Lumiban din si San Antonio’s Devin Vassell (left hip contusion).
Umiskor sina Dominick Barlow ng 19 points at Julian Champagnie ng 17 — kapwa season-highs — para sa San Antonio. Tumapos si Tre Jones na may 11 assists.
Tumirada si Klay Thompson na may 27 points para sa Golden State habang nagdagdag sina Jonathan Kuminga ng 26, Trayce Jackson-Davis at Andrew Wiggins ng tig-11 at Chris Paul ng 10 points. Nalasap ng Warriors ang ikalawang sunod na kabiguan.
Mavericks 142,
Pistons 124
Nagtala si Luka Doncic ng NBA record sa kanyang ika-6 na sunod na 30-point triple-double nang pataubin ng Dallas Mavericks ang host Detroit Pistons.
Nakalikom si Doncic ng 39 points, 10 rebounds at 10 assists. Nalampasan niya si Russell Westbrook, na nagtala ng limang sunod na 30-point triple-doubles noong 2017.
Gumawa si Kyrie Irving ng 21 points at nag-ambag si Daniel Gafford ng 17 points, 7 rebounds at 4 blocks. Umiskor si Tim Hardaway Jr. ng 17 points para sa Mavs.
Nanguna si Cade Cunningham para sa Pistons na may 33 points, 9 rebounds at 10 assists. Kumana si Simone Fontecchio ng 27 points, nagposte si James Wiseman ng 17 points at 12 rebounds, at nagdagdag si Jaden Ivey ng 17 points at 6 rebounds.
Na-eject si Detroit center Jalen Duren, may 7:03 ang nalalabi, dahil sa dalawang technicals matapos ang pakikipagtalo kay Mavericks’ P.J. Washington.